26

Sep 16, 2021 @ 11:10
By

Unggoy rumampa sa ospital sa India, mga buntis windang!

Tila gusto yata maging frontliner ng isang unggoy sa Karnataka, India.

Bigla kasi itong pumasok sa isang state-run maternity hospital sa nasabing lugar at nagpasikat sa paglilipat-lipat ng puwesto.

Nasapol naman sa isang video ang pagtatatalon nito sa mga kama ng mga pasyente bago ito lumabas ng ward.

Ayon sa ulat ng GMA News, hinabol pa ng mga empleyado ng ospital ang unggoy sa hallway.

Wala namang napaulat na nasaktan sa naturang pangyayari.

Anila, madalas nang probelma sa iba’t ibang lungsod sa India ang pagiging pakalat-kalat ng mga unggoy dahil umano sa paghahanap nito ng pagkain. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?