68

Nov 27, 2021 @ 14:49
By

Unggoy pabibo sa mga bisita, nag-push up

Naaliw ang mga bisita sa isang zoo matapos mag-push up sa kanilang harapan ang isang chimpanzee.

Sa video na ibinahagi ng The Sun, makikita ang 20-year-old male chimpanzee na si Yu Hui na ginagaya ang pagpu-push up ng isang lalaking turista mula sa likod ng harang na salamin sa isang zoo sa Chongqing, China.

Patuloy sa paggaya ang matalinong unggoy sa ehersisyo bago tumayo at nag-pose para sa mga bisita niya.

Hindi ito ang unang beses na nagpakitang-gilas si Yu Hui, taong 2019 nang ipakita niya ang talento sa paglalaba na nagaya niya rin sa kanyang tagapag-alaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,