55

Aug 1, 2018 @ 20:26
By

Undocumented Pinoys sa UAE, sinisilaw sa amnestiya

Hinihikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga undocumented Filipinos sa United Arab Emirates (UAE) na samantalahin ang inaalok na amnesty program ng gobyerno.

Ayon sa DFA, sa alok na amnestiya ay maaaring ayusin ng mga Filipino ang kanilang immigration status sa UAE o maaari din silang bumalik na lang ng Pilipinas.

Epektibo ang programa simula ngayon hanggang Oktubre 31.

Nabatid na may 30,000 Filipino sa UAE.

Sinabi naman ni Consul General Raymond Cortez, ang mga kukuha ng amnestiya ay hindi pagbabayarin ng mga multa at hindi rin sila pagbabawalan na makabalik ng UAE.

Paglilinaw pa nito, ang lahat ng mga banyaga sa UAE na may kinahaharap na kasong kriminal o police records ay kailangan munang ayusin ang kanilang asunto bago sila maaaring mag-apply sa amnesty program.

Samantala, ang mga iligal ang pananatili sa UAE na nais ayusin ang kanilang immigration status ay bibigyan pa ng anim na buwan, samantalang ang mga nais nang umuwi ng Pilipinas na walang passport ay bibigyan naman ng one-way travel document.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?