109

Oct 23, 2019 @ 18:16
By

Underpass sa Lucena madadaanan na – DPWH

Inanunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bukas na sa publiko ang P245-milyong halaga ng underpass sa Manila South Road sa Lucena City, Quezon province.

May 472 metro ang haba nito at may kasamang 16 lineal-meter na kongkretong tulay.

Sa isang pahayag, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na layon ng underpass na pagaanin ang trapiko sa rutang Daang Maharlika, madalas dinadaanan ng mga taga-Manila na motorista na patungong Bicol, at pabalik.

“[A]t least 70 percent of motorists that will traverse the intersection will benefit from the completion of this project. The remaining 30 percent, on the other hand, is expected to pass through the service road,” ayon sa kalihim.

Pinondohan ng parehong national budget para sa mga taong 2017 at 2018 ang natapos na proyekto ng DPWH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?