45

Dec 14, 2017 @ 9:57
By

Underemployment bumaba, empleyadong may regular jobs tumaas – NEDA

INIHAYAG ng National Economic and Development Autnority (NEDA) na bumaba ang bilang ng mga kawaning magoovertime para makakuha ng dagdag income habang nakapagtala ng 624,000 stable jobs ngayong taon na indikasyon ng pagkakaroon ng maayos na employment ng bansa sa kasalukuyan.

Sa datos ng Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nasa 15.9% ang underemployment rate n!a pinakamababa mula noong taong 2007 kumpara sa naitalang 18 %.noong nakaraang taon.

Bumaba din ang bilang ng mga self-employed na nasa 33.9% kumpara sa 36.3% noong nakaraang taon..

Sa sektor ng services ay nagkaroon din ng 5.2% pagtaas ng employment samantala 4% ang itinaas ng industry sector, ang dalawang sektor ay kumakatawan sa kabuuang 75% ng workforce sa bansa.

Ayon kay NEDA Secretary Ernesto Pernia positibo ang ganitong datos dahil nangangahulugan ito na matatag ang employment sa bansa.

“The lower underemployment rate and the higher proportion of wage and salary workers indicate improvement in the quality of employment in the country,” paliwanag ni Pernia.

Sinabi ni Pernia na upang mapalakas pa ang labor force ay isinusulong ng ahensya ang pagkakaroon ng mga programa para mas makahiyakat ng mga kababbaihan na magtrabaho isa na dito ang pagbibigag sa mga babaeng kawani ng child health care services,retraining at maternal benefits. (Tina Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?