183

Oct 27, 2017 @ 15:18

Undas sa Manila South Cemetery, ila-live sa FB

Gagamitin ng pamunuaan ng Manila South Cemetery sa Makati ang bentahe ng social media ngayong Undas.

Ayon kay Abby Dionisio, administrative staff ng libingan, sa pamamagitan ng kanilang mga CCTV camera ay ila-live stream nila sa kanilang Facebook account ang sitwasyon sa loob at labas ng sementeryo.

“Para iyong mga nasa bahay alam nila kung marai ang tao, kung siksikan pa,” ani Dionisio.

Dagdag pa nito, sa kanilang social media ay maari din na magtanong ang publiko hinggil sa sitwasyon sa libingan.

Samantala, hanggang sa araw na lang ng Linggo nila papayagan ang paglilinis ng mga puntod maging ang paglilibing ng mga patay.

Sa araw ng Linggo, hindi na maaring pumasok ang mga sasakyan sa libingan maging ang mga madalas na ipagbawal tulad ng mga matutulis na bagay, alak baraha, at speaker hanggang sa araw mismo ng Undas. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?