73

Oct 22, 2017 @ 16:57

Undas 2017 ‘brownout-free’ – DOE

Tiniyak ni Energy Secretary Alfonso Cusi na walang mangyayaring ‘brown out’ sa paggunita sa bansa ng Todos los Santos sa susunod na lingo.

Ginawa ni Cusi ang anunsiyo para pawiin ang mga pangamba na magkakaroon ng brown out sa Undas bunsod nang pagnipis ng suplay sa kuryente sa Luzon Grid.

Giit pa ng opisyal ang pagtaas ng red alert ng National Grid Corp., of the Phils. (NGCP) noong nakaraang Biyernes ay bunsod nang hindi inaasahang shutdown ng ilang planta ng kuryente sa Luzon.

Nagdulot ito nang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang ‘subscribed areas’ ng Meralco.

Pasado ala-5 ng hapon nang magbalik sa normal ang suplay ng kuryente sa Luzon.

Aniya ang nangyari ay itinuturing nilang ‘isolated case’ lang at maayos ang iba pang planta gayundin ang mga transmission lines. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?