66

Mar 8, 2018 @ 23:01
By

Unbelievable: 3 turnovers sa final second ng Toronto-Detroit game

Nagkaroon ng kakaibang twist sa dulo ng laro bago natapos ang 121-119 overtime win ng Toronto laban sa dinayong Detroit Miyerkoles ng gabi.

Nagkaroon ng tatlong turnovers sa final second ng regulation.

Pagkatapos ng basket ni Blake Griffin para ibuhol ang Pistons sa 114-114 sa fourth quarter, nag-inbound ang Raptors pero tumalbog ang bola sa isang Toronto player at lumabas 0.3 seconds sa orasan.

Pagkatapos, lumabas din ang long pass ni Griffin patungo sa direksiyon ng kanilang basket nang walang nakakahipo sa bola, kaya balik ulit sa Raptors ang posesyon.

Ginaya din ng Toronto ang long pass, pero ganun din ang resulta – lumabas ang bola nang walang nakakahipo.

Pareho nang walang timeouts ang magkabilang team kaya sumugal na lang sa long pass kung saan lumabas ang bola.

Isa pang kakaiba, hindi nasolo ng home crowd ng Pistons ang arena.

Nasa border ng US ang Detroit at pagtawid ay Canada na, maraming Toronto fans ang nanood at maya-maya ay may umaalingawngaw na sigawan ng “Let’s Go Raptors!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?