Unbeaten record ni Mayweather, pinantayan ng Thai boxer

Sharing is caring!

Nasungkit ng Thai boxer na si Wanheng Menayothin ang ika-50 sunod niyang panalo noong Miyerkoles.

Naigapos ng boksingero ang challenger niyang Panamanian na si Leroy Estrada para mahigpit na hawakan ang WBC minimumweight belt at pantayan ang undefeated record na 50-0 ni Floyd Mayweather Jr.

Bigong makabangon mula sa malakas na upper cut ng 32-anyos na si Menayothin, binansagang “dwarf giant”, si Estrada sa 5th round.

Aktibo sa pagbubukas ng rounds ang Panamanian at nagawa pang paduguin ang kaliwang kilay ni Menayothin.

Hindi naman nasindak dito ang beteranong Thai at dalawang beses napatumba si Estrada sa Round 3, na nagawa niya ulit sa Round 4 hanggang sa napahinto na ang huli sa 5th. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?