643

Dec 28, 2017 @ 17:05
By

Unano ang bumida sa Harlem Globetrotters

Kilala sa bansag na ‘Michael Jordan of dwarf basketball’, si Jahmani Swanson, na may sukat lang na 4 talampakan at 5 pulgada, ngunit ngayo’y isa nang Harlem Globetrotter, ang tanyag na tropa na nagpapamalas ng mga akrobatiko at ‘wisyo sa basketball, at nagsilbing pangarap ng mga bulilit.

Pumirma sa sikat sa mundong exhibition team nitong buwan para sa kanyang 2018 world tour, ang 32-anyos ay pinagkaguluhan ng ilang dosenang fans at pumila para makapagpakuha ng larawan o autograph matapos ang kanyang unang paglabas.

Isinilang at pinalaki sa Harlem, isang New Yorker, na ang Globetrotter nickname ay ‘Hot Shot’, ang kanyang inisyal na pakitang-gilas sa Barclays Center sa Brooklyn ay patunay na siya na ang pinakasikat na player ng tropa.

Ang social media sensation na may litanya ng YouTube videos sa taguring ‘Mani Love’, ‘Lil Engine’ o ‘The Athlete’ na ipinarada ang kanyang kakaibang istilo ng laro, dribol ng bola sa pagitan ng kanyang legs of challengers, kinasahan ang aktor na si Jamie Foxx sa one-on-one o pag-shoot buhat sa lahat ng anggulo

“I think he’s a nice addition, just because of his size. That brings a lot of attention to him,” bulalas ni Kenyon Pickering, na nanonood ng laro kasama ang kanyang tsikiting. “He’s definitely going to sell a lot of tickets.”

Si Swanson, na tinatayang 22 centimeters (higit walong pulgada) maliit sa sinumang iba pang Globetrotter, ay ekselante sa advertising para sa entertaining team na pinahanga ang milyong tao sa mundo sa kanilang mala-mahikang ratsada sa basketball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?