33
beermen1
May 31, 2018 @ 12:54

Unang ‘W’ naitagay ng Beermen

Matapos malubog ng 0-3, nakuha na sa wakas ng San Miguel ang una nitong panalo sa PBA Commissioner’s Cup nang itumba ang Phoenix kagabi, 106-94.

Unti-unti nang umaangas para sa Beermen si Christian Standhardinger na tumapos ng 18 points at 7 rebounds, at tinanghal pa na best player of the game.

Gumamit ang SMB ng 15-1 run sa fourth quarter para pauwiing luhaan ang Phoenix sa Araneta Coliseum.

Ito ang unang panalo ng Beermen habang nalaglag sa 3-3 ang Fuel Masters.

Nakapagposte pa ng 54-41 lead ang Phoenix sa kaagahan ng third quarter pero nagpakawala ang Beermen ng 15-2 na ragasa para itabla ang iskor sa 56.

May dambuhala namang 35 points, 17 rebounds at 4 blocks si import Renaldo Balkman para sa SMB. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?