43

Nov 21, 2021 @ 22:49
By

Unang trainset ng PNR Clark Phase 1 dumating sa ‘Pinas

Dumating na sa Pilipinas ngayong Linggo ang unang trainset na gagamitin sa Philippine National Railway (PNR) Clark Phase 1.

Ayon sa Facebook post ng Department of Transportation (DOTr), dinala na sa Port of Manila ang eight-car trainset na binili ng bansa mula sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation.

Dadalhin umano ito sa Malanday Depot matapos ang inspection ng customs.

Ito ay una pa lamang sa 13 trainset na magiging parte ng PNR Clark Phase 1, na ang byahe ay mula Malolos, Bulacan hanggang Clark, Pampanga.

Ang ikalawa umanong trainset ay dadalhin sa ikalawang quarter ng 2022.

Siniguro naman ng DOTr na dumaan sa masusing inspeksyon ang mga trainset at dekalidad ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?