622

Jan 19, 2019 @ 15:18
By

Unang tira ni Cousins sa Warriors, dunk agad!

Napahiyaw ang buong Golden State Warriors squad sa sinalpak na one-handed dunk ni DeMarcus Cousins sa kanyang pagbabalik-aksyon at unang laro bilang parte ng Dub Nation kontra sa Los Angeles Clippers, 112-94.

Bago ma-foul out, nag-ambag muna ang four-time NBA All-Star na si Cousins ng 14 puntos sa 5-of-11 shooting, kasahog ang anim na rebounds at tatlong assists matapos mabakante ng halos isang taon dahil sa Achilles injury.

Pamatay ang naging starting five ng Warriors sa pagbabalik ni Cousins, ang kauna-unahang lineup sa loob ng 42 taon kung saan tampok ang limang All-Star players, nakasama sina Draymond Green, Klay Thompson at mga MVP Stephen Curry at Kevin Durant.

Nanguna sa Bay Area squad ang two-time NBA MVP na si Curry na may 28 points sa bisa ng tatlong tres.

Para sa Clippers, nagpasiklab si Tobias Harris na may 28 puntos, samantalang ang rookie guard na si Shai Gilgeous-Alexander ay may career-high 24 points na nalasap ang ikalimang sunod na talo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?