43

By

Unang talo ni Golovkin, ipinatikim ni Alvarez

Sharing is caring!

Ipinalasap ni Canelo Alvarez (50-1-2, 34 KOs) ang unang kabiguan ni Gennady Golovkin (38-1-1, 34 KOs) sa kanilang middleweight title bout nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas, Setyembre 16), sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Unang nagkaharap ang dalawa noong nakaraang taon na nauwi sa split draw, halos parehas na parehas ang naging rematch dahil ayaw papigil ng mga boksingero sa pagbitaw ng malulutong na upak sa isa’t isa.

Muntikan na namang mauwi sa draw ang laban, nakalamang lang ng isang round si Alvarez sa dalawang hurado, 115-113, samantalang ang pangatlo ay napako sa desisyon na 114-114.

Mas maraming napatamang suntok si Golovkin, 234 sa 879 na total punches, ngunit mas naging maganda ang percentage ni Alvarez na may 202 sa 622 total punches.

Sa panalo, napag-isa ni Alvarez ang WBA at WBO title para pagharian ang middleweight class.

“He’s a great fighter but I’m a great fighter and I showed it tonight,” pagyabang ni Alvarez sa mga reporter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?