444

By

Unang SMB practice sa 2019, wala si Romeo

Hindi pa rin nakakasalang ang bagong superstar ng San Miguel Beermen na si Terrence Romeo sa practice session ng kanyang bagong koponan.

Nagsimula na ang practice ng San Miguel nitong Miyerkoles, ngunit hindi pa rin nakakapag-report sa SMB si Romeo, nakuha mula sa TNT kapalit sina Brian Heruela, David Semerad at 2021 first round pick.

Saad ng team management, bukas, Huwebes, magre-report sa ensayo si Romeo para sa San Miguel.

Kanyang makakasama sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Chris Ross sa kanyang unang ensayo sa team.

Habang wala pa ang Fil-German na si Christian Standhardinger na pinayagang magpahinga dahil sa sunod-sunod na laro matapos sumalang sa Asean Basketball League, Fiba at PBA noong 2018.

Saad din ng management, kahit hindi pa nakakadalo sa practice si Romeo ay sinisigurado ng manlalaro na siya’y nasa kondisyon base sa mga malalapit na tao sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?