103

Mar 2, 2020 @ 18:20
By

Unang sementeryo para sa mga Muslim, itatayo sa Maynila

Bilang paggalang sa kasaysayan ng lungsod, lumagda ng isang ordinansa si Manila City Mayor Isko Moreno nitong Lunes, Marso 2 para bigyan ng hiwalay na sementeryo ang mga namayapang residenteng Muslim ng lungsod.

“Ito ay isang tanda ng ating paggalang sa kasaysayan ng ating minamahal na lungsod na noon ay pinamumunuan tayo ng ating mga kapatid na Muslim, mga Rajah, mga Sultan,” pahayag ng alkalde.

Batay sa nilagdaang ordinansa, maglalaan ang lungsod ng P49,300,000 para sa pagtatayo ng bagong sementeryo sa Manila South Cemetery.

Sasakupin nito ang 2,400 square meters ng Manila South Cemetery kung saan ililipat din ang mga bangkay ng Muslim na residente ng Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?