136

Dec 9, 2019 @ 16:20
By

Unang SEAG medalist ng Timor Leste nagpasalamat sa mga sumuportang Pinoy

“I’m so happy for the Philippines for supporting me, I’m going to say thank you to all the Filipino people for supporting my country,” – ang saad ni Imbrolia De Araujo Dos Reis Amorin na unang sumungkit ng medalya para sa bansang Timor Leste sa Southeast Asian (SEA) Games 2019.

“It’s the first medal for my country that’s why I’m so emotional, I feel so happy and I’m excited. I give this medal for my country Timor Leste and thank you for the Philippines for supporting me,” hayag pa niya nitong Linggo sa Ninoy Aquino Stadium.

Bronze medalist ang 22-anyos na atleta sa women’s -57kg division sa kyorugi event ng taekwondo.

Ito ang unang medalya ng dayuhang bansa, at nakamit ito sa nalalabing tatlong araw ng 11-nation biennial meet. Ito rin ang unang paglahok ni Dos Reis sa SEA Games.

“My biggest dream is to give some medals for my country because this is my first time in the SEA Games,” wika ng emosyonal na atleta.

Matapos niyang manalo, sumungkit din ng bronze ang dalawang Timorese boxer: sina flyweight Jose Barreto Quintas Da Silva at light heavyweight Frederico Soares Sarmento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?