587

Mar 2, 2020 @ 22:41
By

Unang sahod bilang YouTube vlogger, kinubra ni Ethel Booba

Masayang binahagi sa social media ni comedian Ethel Booba ang pagkuha niya sa una niyang suweldo bilang vlogger sa YouTube.

Kinubra ni Ethel ang sahod sa isang sangay ng Western Union.

Kabilang daw sa bibilhin niya para sa unang salary ang mga gamit ng kanyang baby girl na si Michaela gaya ng gatas at diaper.

Kasama ni Ethel ang kanyang partner na si Jessie Salazar at si baby Michaela nang mag-grocery.

“Andito tayo sa Western Union, kukubra ng AdSense. Salamat sa mga hindi nag-skip ng ads. Thank you. Mamili na kami ng diaper at gatas! Diretso na grocery,” sabi ni Ethel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?