68

By

Unang Pinoy cube satellite, pakakawalan sa kalawakan

Sharing is caring!

Inanunsiyo ng Department of Science and Technology-Advanced Science and Technology Institute (DOST-ASTI) na maglulunsad ang Pilipinas ng una nitong cube satellite (CubeSat) na Maya-1 sa kalawakan sa Biyernes, Hunyo 29.

Ayon sa Facebook page ng DOST-ASTI, ang Maya-1 cube satellite ay pakakawalan sa pamamagitan ng rocket-launched sa International Space Station (ISS) alas-5:41 ng hapon sa Biyernes mula sa Cape Canaveral, Florida sa Amerika.

Dadalhin umano ang Maya-1 sa ISS sa pamamagitan ng SpaceX CRS 15 sakay ng Falcon 9 rocket.

“One of the missions of the 1-unite (1U) CubeSat is the Store-and-Forward (S&F) System. It will collect data from ground sensor terminals within its footprint, save it, and forward the data to any member,” sabi sa pahayag ng DOST-ASTI.

Ang Maya-1 ay isa sa tatlong cube satellites na ilulunsad sa Biyernes.

Kabilang dito ang mula sa Bhutan at Malaysia.

Ginawa ang Maya-1 sa Kyutech, Japan ng dalawang Pinoy students na nakapagtapos sa ilalim ng PHL-Microsat program. Sinamahan sila rito ni Dr. Joel Joseph Marciano Jr., ang program leader ng PHL-Microsat. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?