58

Sep 15, 2020 @ 15:49
By

Unang Pinay mayor sa England pumanaw na

Ang isang anak ng overseas Filipino worker na nagwagi at nahalal bilang pinakaunang Pilipinang alkalde sa England ay sumakabilang-buhay na.

Si Cynthia Barker ay yumao sa edad na 58. Siya ang incumbent mayor ng Hertsmere sa Hertfordshire, England.

Kinumpirma ito sa Facebook ng kanyang kapatid na si Gene Alcantara.

“It is with extreme sadness that we announce the passing of The Worshipful Hertsmere Mayor Councillor Cynthia Barker following a bout of serious illness,” sabi ng kapatid ng alkaldeng Pinay.

“We will be issuing further information in due course, but may we ask please to respect the family’s privacy at this very difficult time. Your prayers for the repose of her soul would however be welcome,” aniya pa.

Noong 2015 ay si Cynthia rin ang naging pinakaunang Pilipina na town councilor sa England. Nitong Hunyo naman, nahalal siya bilang town mayor ng nasabing borough.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?