6

By ,

Unang panalo sa Arellano U, ibinigay ni interim coach Ablan

Sharing is caring!

Tinuldukan ng Arellano University Chiefs ang five-game slide nang gibain ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 86-70, sa NCAA 94, nitong Biyernes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Ito ang unang panalo ng Chiefs sa ilalim ni interim coach Junjie Ablan mula nang bitawan ito ni PBA legend Jerry Codiñera.

“Siguro ‘yung ano ko, we played good defense, ‘yung game plan namin talagang ginahan ‘yung mga player kahit ‘yung mga small detail. Kaya hats-off ako sa kanila, they really want this game,” wika ni Ablan.

Hindi naman naitago ni Levi dela Cruz ang kanyang kasiyahan na sa wakas ay muli silang nanalo.

“Masakit ‘yung mga pagkatalo namin nung other game, kaya nagtulungan lang kami, naniwala lang kami sa system ni coach Junjie (Ablan),” saad ni dela Cruz na tumapos ng 19 puntos, dalawang rebounds at isang assist.

Sinabi rin nito na talagang maganda ang bagong sistema na hinahain sa kanila nila ng kanilang bagong coach.

Sa unang quarter palang ay umalagwa na agad ang Chiefs at nagtala sila ng 25 puntos habang nalimitahan lamang sa pitong puntos ang Heavy Bombers at nagpatuloy ang pag-angat ng Chiefs hanggang sa manalo.

Bitbit ngayon ng Chiefs ang 5-10 na baraha sa liga habang patuloy ang pag-lubog ng eliminated na JRU Heavy Bombers na may 2-14 win-loss record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?