62

By

Unang panalo nakuha na ng mag-utol na Ildefonso, NU

Nasungkit na ng National University (NU) Bulldogs ang unang panalo sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament nitong Miyerkoles matapos tambakan ang FEU Tamaraws, 61-39.

Namuno para sa koponan sina Dave Ildefonso na humataw ng 20 points, walong rebounds, Migs Oczon na may siyam na puntos at pitong rebounds at si Shaun Ildefonso na nagtala ng walong puntos, anim na rebounds.

“For me, I think iba ‘yung hunger namin coming into this game. Sinasabi ko sa kanila yun, 0-5 na tayo, let’s get that win. Sabi ko sa kanila, kanina pang umaga, dapat iba na yung drive niyo for this game. Good thing we succeeded on defense. Meron kaming lapses onti sa opensa pero you know, it all went for us int he end,” kwento ni team captain Shaun Ildefonso.

“A win is a win tapos easily yung first four games namin I think we deserve those games. So yun nga, buti naman nakuha na namin yung first win so iba talaga yung feeling. I believe, if you ask everyone in this room, in the team, syempre, masarap talaga yung feeling.”

Dahil sa panalo, sampa na ang Bulldogs sa win column tangan ang 1-5 record.

Ibinahagi rin ni Dave na hindi maganda ang kanilang pakiramdam ngunit giit nito na team effort ang nagpapanalo sa koponan.

“This game talaga, masama talaga pakiramdam ko, kami nila Miggy, at saka ni kuya, may sakit kami. Nagpapasalamat kami kay Lord kasi binigyan niya kami ng strength sa panalo na ito. Kahit na hindi kami 100 percent, nakapanalo pa rin kami,” wika nito.

“And dun sa 20 point performance, ‘di naman mangyayari ‘yun kung hindi pinasa sa akin ng mga teammate ko at hindi naman mangyayari ‘yun kung hindi sila gagagawa ng driving lanes.”

Susunod na makakaharap ng Bulldogs ang UE Red Warriors sa darating na Linggo, Setyembre 29.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?