48

By

Unang Palaro gold, dinamba ni Delima

Sharing is caring!

Nakipagsabayan sa may harapan hanggang sa pitong lap saka humarurot sa huling 200 metro ang walang suot na sapatos na si Lheslie Delima upang ipasunggab sa Region V Bicol Vulcans ang buena-manong gold medal sa pagprimera sa secondary girl’s 3,000-meter run sa putok ng mga aksiyon kahapon sa 61st Palarong Pambansa 2018 sa Quirino Stadium track oval dito sa Bantay, Ilocos Sur.

Una rin niyang gold sa pangatlong PP tapos makaapat na silver – tigalawa sa elementary girls 3,000m at 1,500 runs — inararo ng 13-anyos, tubong Brgy. San Juan, San Jose, CamSur, incoming Baao National High School grade 8, at panlima sa pitong supling ng rice farmer at housewife, ang 8.5 na ikutang harurutan sa loob ng 10 minuto at 06.54 egundo.

Nakatrangka rin pero kinapos sa biritan upang magkasya sa segunda-tersera sina Camila Tubiano ng R-X (Zamboanga Sharks) at Grace Tejones ng R-VI (The Blue Barons) sa mga clocking na 10:07.07 at 10:52.99.

“Nagsasapatos din po ako minsan sa training. Pero mas madalas pong wala sa mga laban kasi mas magaan,” bulalas ng 5-foot-2, may pagkapatpating bata sa ilalim ng magandang panahon sa taunang isang linggong kompetisyong tampok ang mahigit na 12,000 estudyanteng atleta mula sa 17 rehiyon ng bansa.

Pumarte rin sa track and field limelights sina R II Green Hawks’ Algin Gomez at Rashied Faith Burdeos, at Christian Ampong ng perennial champion NCR (Metro Manila Stalwarts).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?