160

Mar 19, 2019 @ 17:20
By

Unang NBA playoff ng Nuggets, kinubra sa Celtics

Makalipas ang anim na taong pagkatigang, magbabalik sa postseason ang Denver Nuggets matapos sikwatin ang panalo laban sa Boston Celtics, 114-105, nitong Lunes (Martes sa Pilipinas).

Kumubra ng 21 points at 13 rebounds si Nikola Jokic para iragasa ang Nuggets sa fourth quarter.

Bunga ng panalo ay nakakuha ng unang playoff berth ang Denver, na noon pang 2012-13 nila nagawa.

Tabla na ang Nuggets (47-22) sa Golden State na best record sa Western Conference.

Noong nakaraang season ay giniba ng Minnesota ang pag-asa sa playoffs ng Nuggets nang itumba ito sa overtime sa huling araw ng regular season.

Pinangunahan naman ni Kyrie Irving ang Celtics sa tinapos na 30 points.

Ito na ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Boston sa loob ng pitong laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?