35

Mar 2, 2021 @ 17:27
By

Unang naturukan ng coronavac sa PH, sumagip sa anak ni Saab

Saludo si actress Saab Magalona sa doktor at direktor ng Philippine General Hospital (PGH) na unang tumanggap ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas noong Lunes.

Ani Saab, si PGH Director Dr. Gerardo “Gap” Dizon Legaspi aniya ang nagsalba sa buhay ng anak niyang si Pancho.

Noong 17 days old, sumailalim si Pancho sa operasyon sa utak. Ang umopera sa kanya ay si Dr. Legaspi at ang team nito.

“This man saved my son’s life. He performed two successful brain surgeries on Pancho and I am forever grateful. I wish Dr Gap well and pray for the best for the Philippines’ healthcare workers,” tweet ni Saab, na anak ng namayapang master rapper Francis Magalona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?