98

Mar 28, 2020 @ 19:14
By

Unang kaso ng COVID-19 sa Navotas, tigok

Kinumpirma ng local ng pamahalaan ng Navotas sa Twitter. na may nag-positobo sa coronavirus nitong Sabado.

Subalit namatay na rin ang pasyente na iyon kasabay ang paglabas ng resulta ng kanyang COVID-19 test

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, inaasahan niyang tataas pa ang kaso ng COVID-19 dahil nakuha ng pasyenteng iyon ang virus mula sa crowded area.

“Isa na po ang namatay at nagpositibo sa #COVID19PH sa Navotas. Mas dadami pa ito dahil ang namatay ay galing sa mataong lugar na parating nahuhulihan ng mga lumalabag sa quarantine. Pakiusap: MANATILI PO TAYO SA BAHAY. Ito po ang choices ninyo: stay home or stay in jail,” ayon sa kanyang Twitter account.

Ayon din sa Twitter ng LGU ng Navotas, 125 ang persons under monitoring (PUM), at nasa 21 ang persons under investigation (PUI).

Ayon sa bagong datos ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 1,075 ang nag-positibo sa COVID-19 na kung saan 68 patay at 35 na ang tuluyang gumaling sa nasabing virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?