42

Feb 28, 2020 @ 13:39
By

Unang kaso ng COVID-19 naitala sa New Zealand

Kinumpirma ng New Zealand ang unang kaso sa kanilang bansa ng coronavirus (COVID-19).

Ayon sa kanilang health ministry sa CNBC report, nanggaling ang biktima sa Iran at dumating sa Auckland sakay ng Emirates flight noong Pebrero 26.

Dahil dito, bumaba ng 1% ang New Zealand dollar laban sa U.S. dollar.

Nitong Biyernes, Pebrero 28, sumampa na sa 78,824 ang kaso ng virus sa China habang 2,788 na ang death toll.

Kabuuang 2,022 naman ang COVID-19 case sa South Korea, ayon sa Centers for Disease Prevention and Control.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?