269

Jan 9, 2019 @ 16:07
By

Unang K-pop arena, bubuksan sa Korea

Para umano makahikayat ng mas maraming turista, magtatayo ang Seoul ng unang K-pop arena sa 2024.

Ayon sa report, plano umanong simulan ang concerts-only complex na Seoul Arena sa Setyembre ng susunod na taon.

May lawak ito na 50,149 square meters na malapit sa Changdong Station.

Nasa 18,000 umano ang kapasidad ng Seoul kabilang na ang 2,000-seat concert hall, isang K-pop Hall of Fame, isang K-pop special exhibition hall at isang theater.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?