13

Jan 13, 2021 @ 22:08
By

Unang ‘human milk bank’ sa Ilocos binuksan

Binuksan na ang kauna-unahang human milk bank (HMB) sa Ilocos Region.

Matatagpuan ito sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City, ang pinakamalaking pampublikong ospital sa Ilocos Norte.

Dahil dito, may matatag nang supply ng breast milk ang mga ipinanganak na sanggol sa lugar lalo na ang mga isinilang na premature at undernourished.

Ayon kay Dr. Rocamia Fermin, bahagi ang HMB ng commitment ng ospital na palakasin ang pagkilala sa kanila ng Department of Health bilang “Mother-Baby Friendly Hospital”.

Hindi lang umano ito para sa mga residente ng Ilocos Norte kundi maging sa mga kapitbahay na lalawigan gaya ng Cagayan, Ilocos Sur at Abra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?