46

Jul 24, 2021 @ 13:22
By

Unang gintong medalya sa Olympics nasungkit ng China

Nakuha ng Chinese shooter na si Yang Qian ang unang gold medal ng 2020 Tokyo Olympics.

Tinanghal siyang kampeon sa women’s 10-meter air rifle competition na ginanap sa Asaka Shooting Range nitong Sabado.

Pinataob niya sina Russian Anastasiia Galashina (silver) at Nina Christen ng Switzerland (bronze).

Bago nito ay nakakalamang sa final si Galashina hanggang sa bumigay sa pressure at naitala ang pinakamababa niyang iskor na 8.9 para sa total na 251.1.

Hindi naman nagpaapekto sa pressure si Yang at pumutok ng 9.8 para masungkit ang gintong medalya at umukit pa ng Olympic record na 251.8 total.

Maliban sa pistol at shotgun, kabilang ang air rifle sa tatlong shooting event sa Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?