52

Dec 23, 2017 @ 18:22
By

Unang ginto sa Olympics nasisilip ni Ramirez

Optimistiko si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na magiging produktibo ang susunod na tatlong taon para sa sports ng bansa partikular sa nalalapit nitong pagkampanya sa 18th Asian Games sa Indonesia, ang pagho-host ng 2019 Southeast Asian Games at pagbabalik sa 2020 Tokyo Olympics.

“I see different colors of medals in 2018. We will be champion again in 2019 hosting and we can win at least one gold in Olympics,” sabi ni Ramirez patungkol sa kinakaharap ng pinamumunuan nito na ahensiya pati na sa buong adhikain nito sa sports.

Mataas ang kumpiyansa ni Ramirez dahil sa naisagawa ng ahensiya na pakikipagtulungan sa iba’t ibang sangay ng gobyerno at local government units upang mas mapalakas ang grassroots development pati na din sa nakaamba na malakiing maitutulong ng Philippine Sports Institute (PSI) para mapaaangat ang bago at kasalukuyang elite athletes.

“But we all have to work hard. If we work together despite the issues we can do better. We have collaborated with local government units and signed partnerships with the Department of Education to promote sports to our children,” sabi ni Ramirez, na asam din makapareha ang Commission on Higher Education sa taong darating.

Umaasa din si Ramirez na matutugunan ng ahensiya ang pagpopondo sa mga ahensiya sa pagtatakda ng P600M para sa lahat ng NSA sa taong 2018.

“Effective January 1, we will allocate a total of P600 million to all NSA,” sabi ni Ramirez katulong ang kanyang PSC Executive Director na si Atty. Sannah Frivaldo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?