18

By

Unang drug rehab center binuksan sa La Union

Sharing is caring!

Bunsod ng mahigpit na kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng pamahalaan laban sa iligal na droga, itinayo ang kauna-unahang LGU-operated drug rehab center sa La Union kamakailan.

Pinangunahan ni La Union 2nd District Rep. Sandra Y. Eriguel sa simpleng seremonya ang pormal na pagbubukas ng lokal na pamahalaan sa itinayong out-patient drug rehabilitation center sa Agoo, La Union noong September 12, 2018.

Ang event ay itinaon sa pinasinayaang ‘Balay Silangan’, ang satellite office at reformation center ng PDEA katabi ng rehab center na dinaluhan nina Undersecretary Jimmy L. Manabat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, Director Ismael G. Fajardo Jr., Deputy Director for General Administration ng PDEA, La Union Governor Francisco Emmanuel ‘Pacoy’ R. Ortega III at PDEA Regional Director Bryan B. Babang.

Ang Balay Silangan ay unang reformation center na pinakilala sa Northern Luzon na magsisilbi bilang temporary shelter para sa mga drug dependents na sumuko sa mga awtoridad at nasa proseso ng rehabilitasyon.

“Drug offenders here are given livelihood skills training and various reformatory programs to prepare them to become renewed and productive citizens in their reintegration to the society,” ani La Union 2nd District Rep. Sandra Y. Eriguel.

Nabatid na ang mga proyekto ay sa ilalim ng pamumuno ni ng Agoo Mayor Stefanie Eriguel at Rep. Eriguel sa pakikipag-ugnayan ng PDEA, Department of Health at iba pang mga ahensiya.

“The drug rehabilitation center and the PDEA-Satellite Office and Reformation Center will cater to the needs of misguided citizens of La Union and nearby towns of Pangasinan,” dagdag pa ni Eriquel .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?