249

Mar 30, 2020 @ 10:38
By

Unang COVID-19 survivor sa ospital sa Laguna, pinalakpakan

Umapaw ang palakpakan para sa COVID-19 patient na gumaling sa Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center sa Laguna.

Sa video na binahagi ng Facebook account ng ospital, makikita na nakalinya ang mga healthcare worker para bigyang-pugay ang kanilang unang COVID-19 survivor.

Makikita sa video na emosyonal ang ginang habang nagpapaalam sa mga healthcare worker ng ospital na gumamot sa kanya.

“Heartwarming applause for our 1st cured and recovered (COVID-19) patient. The patient was discharged after two negative tests,” saad sa caption ng video.

https://www.facebook.com/100029731716072/videos/266372217697167/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?