Unang Conference Finals ni Chris Paul

Sharing is caring!

Tumapos ng 41 points, 7 rebounds at 10 assists para sa Houston si Chris Paul sa panalo ng Rockets kontra Utah Jazz, 112-102, tangan ang 4-1 record nitong Martes (Miyerkoles sa Pinas).

Malaki rin ang kontribusyon niya sa iskor at assists sa huling 18 points ng Rockets sa fourth quarter.

Nagtipon siya ng 15 points dito at nagpasa ng bola kay P.J. Tucker para sa pukol ng 3-pointer.

Nakabalik mula sa pagkakaiwan ng tatlong puntos sa Jazz ang Houston para kunin na ang tiket patungong Western Conference finals.

Maghihintay na ang Houston kung sino ang magwawagi sa pagitan ng Golden State Warriors at New Orleans Pelicans sa Game 5 ng series nito na siyang makakaharap ng Rockets.

Sakaling manalo na ang Golden State, magsisimula na ang karibalan nila ng Houston sa Lunes (Martes sa Pinas).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?