20

By

Unang bishop ng Lucena dineklarang ‘venerable’ ng Santo Papa

Sharing is caring!

Dalawang hakbang na lang ay magiging santo na si Bishop Alfredo Obviar, unang bishop ng Lucena, matapos itong ideklara ni Pope Francis bilang ‘venerable’.

Sa post ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kailangan pang kilalanin ng pinuno ng simbahan ang milagro sa pamamagitan ni Obviar bago ito ma-beatify at sa huli ay ma-canonize bilang santo.

Ipinanganak sa Lipa, Batangas na-ordain si Obviar bilang pari noong 1919. Noong 1944 nang maging Auxiliary Bishop ito ng Lipa.

Kilala ang pari bilang founder ng Missionary Catechists of St. Therese, kongregasyon ng mga madre na may mga misyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ibang bansa.

Taong 1969 naman ng ma-appoint si Obviar bilang bishop ng nasabing lugar, hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1976.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?