41

Feb 25, 2020 @ 19:45

Unang batch ng mga Pinoy na inilikas sa Japanese cruise ship pauwi na

Pauwi na ng Pilipinas ang unang batch ng mga Pilipino na ni-repatriate mula sa Diamond Princess cruise ship sa Japan matapos magnegatibo sa coronavirus.

Kabuuang 311 Pilipino ang sakay ng chartered Philippine Airlines plane na umalis sa Haneda Airport sa Tokyo nitong Martes ng gabi, Pebrero 25.

Inaasahan silang lalapag sa Clark International Airport sa Pampanga ng alas-9:00 ng gabi.

Isasailalim sila sa 14-araw na quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac pagdating sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?