11

Feb 15, 2021 @ 23:07
By

Unang batch ng COVID-19 bakuna ibibigay sa 34 ospital

Nasa 34 ospital sa Metro Manila, Cebu at Davao ang tatanggap ng unang batch ng coronavirus vaccine mula sa Pfizer-BioNTech.

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 32 ospital ay matatagpuan sa Metro Manila habang isa ay sa Cebu at isa sa Davao.

Ilan sa mga COVID-19 referral center na bibigyan ng bakuna ang Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, at East Avenue Medical Center.

Ngayong unang bahagi ng taon, matatanggap ng Pilipinas ay 5.6 milyong dose ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca vaccine sa pamamagitan ng World Health Organization-led COVAX Facility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?