14
john-bulalacao

Unang araw ng paghahain ng COC, ‘peaceful’ – PNP

Sharing is caring!

Naging mapayapa ang unang araw ng paghahain ng ceritificates of candidacy, gayundin ang gun ban para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, ayon sa Philippine National Police.

Sa panayam ng dzBB kay PNP spokesman Chief Superintendent John Bulalacao nitong Sabado ng gabi, unang araw ng pagpapatupad ng gun ban, tatlong minor incidents lamang ang kanilang naitala.

Noong Sabado, sumugod ang mga kakandidato para sa barangay at SK elections sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) para sa unang araw ng paghahain ng certificates of candidacy (COC).

Inaasahan ng Comelec na 3,000 aplikasyon kada araw ang matatanggap nila bago matapos ang deadline sa Abril 20.

Magsisimula naman ang kampanya sa May 4 at magtatapos sa Mayo 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?