17

Aug 8, 2021 @ 21:23
By

Unang araw ng ECQ: 20K pasaway sa protocol

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 20,000 paglabag sa health protocol sa unang araw pa lamang ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon sa statement ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, 20,511 ang naitala nilang insidente ng paglabag, kung saan 14,755 dito ang nahuling hindi sumusunod sa health protocol gaya ng ‘di tamang pagsusuot ng face mask, ‘di pagsusuot ng face shield at pagsuway sa social distancing.

Samantala, ang natitirang 5,781 naman ay mga insidente ng paglabag sa curfew, kung saan 4,394 dito ang mula sa NCR at ang natitira ay mula sa mga karatig-lalawigan.

Noong Agosto 6 lamang sinimulan ang hard lockdown sa NCR at sa Agosto 20 pa ito matatapos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?