73

Jan 1, 2018 @ 14:24
By

Unang araw ng 2018, MRT nagka-aberya agad

Hindi pinatawad ng aberya ang unang araw ng biyahe ng MRT ngayong 2018.

Batay sa abiso ng MRT 3, nagkaroon ng electrical failure ang byahe nito kaninang 12:18 ng hapon.

Dahil dito, pinababa sa Guadalupe Station sa Edsa, Makati ang 300 pasahero nito na byaheng southbound.

Bunsod umano ng “worn out electrical sub-components” ang electrical failure.

Dumating naman umano ang kapalit na tren makalipas ang pitong (7) minute lamang. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?