302

Jan 1, 2018 @ 9:59
By

Unang araw ng 2018, maulan – NDRRMC

Magiging mabasa sa malaking bahagi ng bansa sa unang araw ng 2018.

Ito ang sinabi ni Mina Marasigan, ang tagapagsalita ng NDRRMC.

Aniya, bukod sa epekto ng bagyong Agaton sa Mindanao, ang buntot ng Amihan ang magdudulot naman ng pag ulan sa Luzon at Visayas.

Bunga nito umapila si Marasigan sa publiko na maging maingat sa pagsalubong ng bagong taon dahil ang pag ulan ay maaring maging mapanganib sa ilang lugar. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?