15

Jul 8, 2020 @ 16:09
By

Unahing tangkilikin ang lokal na turismo – Nancy

Umapela si Senadora Nancy Binay sa mga Filipino na unahing tangkilikin ang lokal na turismo kesa sa ibang bansa sakaling alisin na ng gobyerno ang mga travel restriction.

“Panawagan ko din sa mga kababayan na imbes na turismo sa ibang bansa, unahin na muna natin dito sa atin,” pahayag ni Binay sa isang virtual press conference.

“Let’s go local first. Siguro yun ang kailangan nating gawing kampanya—unahin muna natin ang sariling atin,” dagdag nito.

Sa ngayon aniya’y suportado niya ang hakbang ng Department of Tourism na buhayin ang lokal na turismo.

“Huwag muna tayo tumanggap ng foreign tourists because at the moment, mukhang hindi na dapat tumanggap ng ganung klaseng turista. Dito muna tayo kasi ang laki naman ng market for domestic tourism,” sabi ni Binay, chair ng Senate committee on tourism.

Paniwala ng senadora, hindi gaanong marami ang magbabiyahe dahil negatibong epekto ng pandemya.

“May mga kababayan tayo na adventurous, siguro malakas loob nilang bumiyahe. Pero makikita natin na may problema ang industriya ng turismo globally so, sa tingin ko hindi rin ganoon karami ang babiyahe,” ani Binay.

Welcome naman sa senador ang hakbang ng gobyerno na alisin ang suspensiyon sa non-essential travel para sa mga Pinoy.

“The travel ban naman is for outbound. Yung mga kababayan natin pwede na silang pumunta sa ibang bansa provided na tatanggapin sila at kailangan pagbalik nila dito, magka-quarantine sila,” ani Binay.

“Para sa akin, walang masyadong problema for as long as pagbalik nila susunod sila sa protocol,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?