72

By

Unahin ang TRAIN kaysa sa Cha-cha – Hontiveros

Sharing is caring!

Inupakan ni Senadora Risa Hontiveros ang muling pagpapalutang ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa No-elections (No-El) scenario o kanselasyon ng eleksiyon na nakatakda sa Mayo 2019 ngayong isinusulong ang federalism.

Ayon sa senadora, hindi pwedeng kanselahin ang eleksyon nang hindi naaamyendahan ang umiiral na 1987 Konstitusyon.

Una rito, sinabi ni Alvarez na maaring hindi na lang ituloy ang eleksyon sa 2019 para maatupag ng mga mambabatas ang pag-amyenda sa Konstitusyon nang sa gayon ay matupad ang federalism.

Iginiit ni Hontiveros na hindi kanselasyon ng eleksyon at pag-amyenda sa konstitusyon ang dapat atupagin kundi ang kanselasyon o suspensyon ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na nagpataas na umano ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Malaking pagkakamali umano sa bayan na unahin ng mga mambabatas ang pagbabago ng Konstitusyon kung saan ang pagtatagal lang sa kapangyarihan ng mga taga-Duterte administration ang intensyon.

Si Hontiveros at ang mga kasamahan sa Senate minority block ang nangangalampag para suspendihin ang pagpapataw ng tinaasang excise tax sa petrolyo na utos ng TRAIN Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?