17

May 18, 2021 @ 9:46
By

UN walang werpa paalisin ang China sa WPS – Enrile

Walang kapangyarihan ang United Nations na ipatupad ang panalo ng Pilipinas sa West Philippine Sea na iginawad ng arbitral court.

Ito ang inihayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mainit na usapin sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Enrile na walang police power ang United Nations kaya hindi maisilbi sa China ang desisyon ng arbitral tribunal na pumapabor sa Pilipinas.

“Kahit na may resolusyon ang UN eh hindi naman maipatutupad ng UN yung resolution nila wala silang police force eh,” ani Enrile.

Bagamat hindi maipatupad, sinabi ng dating Senate President na hindi naman nasayang ang desisyon ng arbitral tribunal dahil nakatatak na ito sa record ng UN.

“Hindi naman nasasayang yung desisyon nung arbitration sa bagay na yan sapagkat nandiyan na ‘yon eh na palagay ko nakarehistro yung desisyon na ‘yon sa record ng UN, alam nila yon,” dagdag ni  Enrile.

Ipinaliwanag ng dating Senate President na ang istruktura ng UN ay hindi katulad ng Pilipinas na mayroong  hukuman at mayroong pulis na magpapatupad ng  desisyon ng korte.

“Sa level ng mga bansa eh ang mananatili diyan eh kung ano ang kakayahan mo kontra sa kabila. Iyon lang. This is what operates in the level of relations, Mr. President, is what they call the law of nature,the law of force and nothing more. That is international law,” wika ni Enrile.

Sinang-ayunan naman ni Pangulong Duterte ang pananaw ni Enrile na aniya ay siyang palagi niyang sinasabi sa sambayanan, pero siya pa ang binabaliktad at sinisisi kung bakit hindi nito maipatupad ang arbitral ruling.

“That’s what I’ve been telling to our countrymen. I was frank enough in the early days. Ako yung sinisisi nila na bakit ko raw—I will not forcefully do everything to go to the United Nations to ask the body for help?” anang Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?