38

Sep 16, 2020 @ 15:45
By

UN rights chief kay Duterte: Tokhang, anti-terror bill ligwakin!

Dapat tanggalin ng gobyernong Duterte ang mga polisiya nitong humahantong sa patayan at paglabag sa karapatang-pantao ng mga Pilipino, ayon sa ulo ng Human Rights Office ng United Nations.

“There is clearly an urgent need to revoke these policies that continue to result in killings and other human rights violations, to bring to justice the perpetrators, and to halt the use of rhetoric inciting violence against people who use or sell drugs,” wika ni High Commissioner Michelle Bachelet sa pagbubukas ng 45th Human Rights Council session sa Geneva, Switzerland kahapon.

Sa partikular, pinahihinto ni Bachelet ang giyera kontra droga (Oplan Tokhang) at ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill sa Pilipinas na aniya’y “maraming kaduda-dudang probisyon.”

Nababahala rin aniya siya sa “continued reports of drug-related killings by both police and vigilantes” kahit may restriksyon na sa paggalaw dulot ng COVID-19 pandemic, at sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipanumbalik ang death penalty sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?