65

By

UN resolution sa EJKs, non-binding – Tolentino

Malakas diumano ang judicial system sa Pilipinas kaya hindi na matatawag na state sponsored ang mga patayang naganap sa kasagsagan ng war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, hindi lang naman ang mga sibilyan o drug suspect ang napapatay sa operasyon kundi maging ang mga miyembro ng kapulisan kaya’t hindi masasabing ipinag-utos ng gobyerno ang kaliwa’t kanang extra-judicial killings sa bansa.

“Sa pagkakaalam ko hindi ito state policy. Marami din tayong pulis na napapatay sa operasyon. Marami rin tayong kapulisan ang dumaan sa proseso at ngayon ay nakakulong. Meron tayong malakas na judicial system,” pahayag ni Tolentino sa panayam sa dzBB kahapon.

Sabi nito, ang planong pag-imbestiga ng United Nation Human Rights Council sa isyu ng extra-judicial killings ay malinaw na panghihimasok lang sa ating bansa.

“Yan ang nangyari ngayon, panghihimasok itong ginagawa nila. Uulitin ko yung council is not a court. It is not even quasi -judicial body at yung resolution nila is non-binding,” sabi ni Tolentino.

“So walang adjudicatory powers yun to declare the Philippines in violation of international human rights law,” sambit pa nito.

Naniniwala din si Tolentino na nahaluan ng politika ang paglabas ng resolusyon ng UNHRC kung saan pinaboran ito ng 18 bansa

“Paano naman papasukan sila eh na-involved na nga ang pulitika. So nahaluan na ito ng ganoon. Kaya may suspicion na ang ginagawa nila ay may political purposes,” sabi pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?