57

By

UN investigator hindi welcome sa Pinas – Panelo

Hindi welcome sa Pilipinas ang mga imbestigador ng United Nations (UN) na magsisiyasat sa kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga partikular ang umano’y extrajudicial killings.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malinaw na panghihimasok sa soberanya ng Pilipinas kung igigiit ng UN Human Rights Council ang kanilang kagustuhan na mag-imbestiga sa bansa.

“The are nit welcome here because they are intruding into our sovereignty,” ani Panelo.

Pero sinabi ng kalihim na kung ma-justify ng UN ang kanilang pakay at makita ang kanilang sinseridad ay baka magbago aniya ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang sa isang ambush interview sa Pangulo sa Malacañang ay sinabi nitong posibleng ikonsidera niya ang pakay ng UN.

Gayunman, kung dadagdag lang aniya ang mga ito sa intrig , pumunta na lamang aniya ang mga ito sa media at magtanong kung ano ang katotohanan sa war on drugs.

“Let them state their purpose and I will review. Kung dadagdag lang sila sa intriga, they better go to the media. And the media will tell them the truth,” anang Pangulo.

Mariin naman ang pagtutol ng mga opisyal ng gobyerno kagaya ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na nagsabing hindi papayagang makapasok sa bansa ang mga mag-iimbestiga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?