92

Mar 10, 2018 @ 11:02

UN human rights chief: Duterte needs ‘psychiatric evaluation’

Ipinahayag ng United Nations (UN) human rights chief nitong Biyernes na kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “psychiatric evaluation”.

Ayon kay human rights chief Zeid Ra’ad Al Hussein, dahil umano sa mga aksiyon ng bansa laban sa U.N. envoys kabilang na ang napaulat na pag-file ng kasong terorismo sa isa sa mga ito: “it makes one believe that the President of the Philippines needs to submit himself to some sort of psychiatric evaluation.”

Tinutukoy ni Zeid ang ulat na pagbabanta umano ni Pangulong Duterte na pagsampal kay U.N. special rapporteur on extra-judicial killings Agnes Callamard gamit ang mga ‘di katanggap-tanggap na salita sakaling bumalik ito ng bansa.

“This is absolutely disgraceful that the President of a country could speak in this way, using the foulest of language against a rapporteur that is highly respected,” ani Zeid.

Si Callamard ay naging target ng maaanghang na pananalita ng Pangulo dahil sa pagiging kritiko nito sa kampanya ng Duterte administration sa illegal drugs.

Naging kontrobersiyal ang war on drugs ng gobyerno dahil sa mga alegasyon ng extra-judicial killings sa mga drug suspects.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?