22

Feb 18, 2021 @ 14:06
By

Umuwing OFW sapul ng Covid kahit nabakunahan na

Isang overseas Filipino worker (OFW) mula United Arab Emirates ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating niya sa Mandaue City, Cebu, kahit pa naturukan na siya ng coronavirus vaccine na gawa ng Sinopharm.

Ayon kay DOH-7 spokesperson Dr. Mary Jean Loreche, ang lalaking OFW ay naturukan ng dalawang dose ng bakuna noong Disyembre 12, 2020, at noong Enero 2, 2021.

Dumating siya sa Cebu noong Enero 5 at nakumpleto ang quarantine period noong Enero 20.

Tapos, na-swab test ulit siya noong Pebrero 8 kung saan napag-alaman kinabukasan na nagpositibo siya sa coronavirus.

Sabi ni Loreche, nahawa rin sa COVID-19 ang 5 sa 7 kasama ng OFW sa bahay. Naka-isolate na ang mga ito.

Punto ng doktor, wala pang “solid scientific studies” tungkol sa haba ng immunity na maibibigay ng bakuna sa indibidwal.

Malamang aniya na ang proteksiyong binigay ng bakuna ay hindi pa tumatalab sa OFW, at posible rin aniyang nahawa ito sa ibang COVID-19 variant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,