105
Umulan, umaraw tuloy ang SEAG hosting – Caballero
Mar 28, 2019 @ 20:04
By

Umulan, umaraw tuloy ang SEAG hosting – Caballero

Kahit ano’ng mangyari, tuloy ang 30th Southeast Asian (SEA) Games hosting ng Pilipinas sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10 sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ang tiniyak ni POC deputy secretary-general Karen Tanchanco-Caballero sa pagdalo niya sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports, Huwebes, Marso 28 sa National Press Club sa Intramuros.

“One thing we (POC) can assure all of you now is that the 30th Southeast Asian Games is still happening in the Philippines come Nov. 30,” sabi ni Caballero.

Klinaro pa nito ang mga balita na papalitan ng bansang Thailand o Indonesia ang pagho-host sa SEA Games.

“That’s not true (giving up as host). In fact, POC president (Ricky) Vargas reiterated our commitment as host during our recent POC meeting last March 21,” wika ni Caballero na presidente rin ng Pilipinas Sepak Takraw Association.

“Were still very much on board. We’re hopeful that other groups involved like the PSC (Philippine Sports Commission) under Chairman Butch Ramirez and PHISGOC (Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee) headed by Sen. Allan Cayetano are also on board.”

Ibinahagi rin nito sa forum na nai-release na ang budget para sa SEA Games kaya mas uusad pa ang paghahanda at preparasyon para rito.

Ipinaliwanag din ni Caballero sa forum ang tungkulin ng POC at PHISCOG sa papalapit na SEA Games.

“PHISGOC has the marketing and broadcasting team under them. Our concentration is sports side and game services,” dagdag nito.

Dinitalye rin nito na malapit nang matapos at ready na ang mga gagamiting venue na base sa report sa kanya ni SEAG venue director David Carter.

“I was told about 90-95 percent of our venues are ready. New Clark City is hosting two compulsory sports – athletics and aquatics. And based on our discussions with the BCDA, construction is right ahead on schedule. We’re confident we will be able to deliver them in the next few weeks or months.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?